For those who are scheduled to take their NCLEX in Trident here in Manila, I would like to share with you some reminders based on what I experienced.
1. schedule – come early. my schedule is 9am, I arrived at 7am, sobrang aga, sarado pa ang Trident, di pa nagpapapasok, kaya tambay lang muna sa labas, or sa McDo sa likod. 8am nag start nagpapasok ang Trident guard. i have no idea kung ano naman ang situation sa 3pm schedule.
2. companions – there is no waiting area, bawal pumasok ang companions sa loob ng building, karamihan ay nasa labas lang naghihintay. or tell your companions to go somewhere else and i-text nyo na lang sila para sunduin ka kapag tapos na ang exam mo.
3. food – hindi din allowed ang baon. yung iba may dalang bottled water, umiinom habang naghihintay sa line. make sure you have eaten before taking your exam, because you would not know what time your exam would end.
4. clothing - wear anything decent and comfortable. pwede mag jeans, shirt, rubber shoes, sandals, flip-flops. kung lamigin ka, mag long sleeves na lang, kasi minsan hindi allowed ang jacket sa loob ng testing center, pinapaiwan sa locker. para sa akin, tolerable naman ang temperature sa loob.
5. review materials - pwede naman magdala ng books para makapagbasa habang naghihintay sa line. pero i suggest na dalhin na lang ang mga maliliit na notes, kasi dagdag pa sa anxiety level ang last-minute review.
idagdag ko lang... ang mga dapat dalhin…
1. confirmation letter – hinahanap ito ng guard sa main entrance ng building, para i-check nya kung tama ang date and time sched mo. di nya kukunin yan, babasahin lang nya.
2. an extra ID – can be a school ID, review center ID, SSS ID, PRC ID, etc, hahanapin din ng guard sa main entrance ng building in exchange of a visitor's ID.
3. downloaded ATT – must be downloaded from your email and printed sa computer printer. di pwede ang xeroxed ATT or yung mukhang pina-xerox na ATT. mas okay kung colored ang pagkakaprint para talagang original.
4. original yellow ATT – just in case hindi tanggapin ang printed ATT mo (dahil malabo ang pagka-print, or mukhang xerox ang pagka-print, o kung sa anupamang dahilan). yung iba ay pinapalabas pa nila ng building para maghanap ng internet cafe para mag download at mag print ulit ng ATT. hassle yun di ba? dagdag pa sa anxiety level. ibabalik din naman sa applicant ang ATT after the Pearson security check. isulat na pala ang exam date and place sa designated blanks sa likod ng ATT, although you will be given time to fill that up.
5. updated passport – ayaw ng Pearson na naka-plastic cover ang passport at madaming nakaipit, ipapatanggal sa iyo yan. pls note also about the name extensions such as Jr, Sr, III, IV. yung iba kasi hindi nagtutugma (kunwari sa Jr., nakasulat sa passport as part of the given name, pero sa ATT naman ay part of the surname). i dont know what happened to the test-taker na may ganyang kaso.
common sources of problems:
1. ATT - malabo print, mukhang xerox, kulang ang pages
2. passport - no signature (i have no idea about the new machine-readable passport)
3. name mismatch - name must be matched in both the ATT and passport (given name, middle name, surname)
so far, yun lang naman ang basic requirements...
and pray silently while waiting in line for your turn...
-courtesy of nelle
0 comments:
Post a Comment